Binusted ako ng Bestfriend Ko!

Ang saklap pala ma-busted. Masaklap na nakakatawa. Minsan yung katapangan ko kinakainisan ko to eh. Kasi di ko kayang pigilan na huwag ipahayag yung nararamdaman ko.

Ganito kasi yun, may friend ako sobrang tagal ko ng kaibigan, mga more than a decade na. Ever since sobrang sweet namin sa isa’t-isa. May mga oras na dine-deny ko na may malisya, minsan pangkaibang messages at texts lang talaga. May mga panahon din na eh siyempre binibigyan ko ng malisya eh type ko eh. Kaso nganga pala ko.

Anyway, dati naman may feelings yun sa akin eh feeling maganda ko so binalewa ko lang siya kasi wala eh natakot akong i-nourish yung feelings ko for him.  Bakit? Ako kasi yung tipo ng tao na kapag illogical at di maintinidhan, I drop it. Dati yun nung bata pa ko. Sabi ko bakit ako natutuwa sa kanya, bakit parang sobrang saya ko pag kasama siya? Bakit kahit puyat na puyat na ko, kakausapin ko siya pag may problema siya? Bakit masaya ko pag nakikita ko siya?

Love pala yun. Ano bang malay ko?

Ngayong tumanda na ko naiintindihan ko na. Hindi na ko napakali. Bawat ka sweetan niya may malisya na. Bawat text, bawat yakap, bawat pagkikita, lahat bigla ko ng nilagyan ng madaming kalandian at malisya.

Kaso huli na pala lahat. Siguro yung dati niyang pagtingin wala na talaga eh. Naubos na. Medyo engot din kasi ko, sinabihan ko siya na mag move on sa akin dati. Sana di ko pala yun sinabi eh di nagkachance pa ko.

Sa palagay ko, ginawa ko naman na talaga ang lahat. Hindi ko yun ikakahiya. Eh ano naman? I just expressed what I feel. Hindi yun masama. Ang masama siguro eh yung sabihin mo yung nararamdaman mo at magalit ka sa tao na di siya ganun sayo.

Yang love na yan, putang-ina yan, ang complicated. Di mo mapipilit. Wrong timing minsan. Pero di na yun mahalaga. Importante eh naramdaman mo yung love..love na yan. At least alam mo na di ka manhid. At higit sa lahat naparamdam at naipahatid mo ang feelings mo, wala ka ng what if, wala ka ng i-hold back.

Yun kasi ang nagpapasakit sa tao, yung maging tameme ka na lang at wag sabihin sa tao kasi gusto mo na umasa forever. Eh kaso walang forever, mabuti ng sabihin mo kaysa bukas mamamatay ka na pala di mo man lang nasabi sa tao, eh di mumultuhin mo pa, kawawa naman. Huwag kang matakot marinig ang sagot. Akala mo lang kasi na masakit pero pag narinig mo na pagtatawanan mo na lang sarili mo sa bandang huli.

Mahirap gawin pero iyon talaga ang tama. Huwag ka umasa. Magmahal ka lang.

Sabi ko nga libre naman magmahal. Swerte ka na lang kung mahal ka rin ng taong mahal mo.

Ayos na rin naman ako. Ramdam ko naman na may pakialam siya, hindi man sa paraan na gusto ko at least sa paraang alam niya. 🙂

Yakap na May Malisya

Nanuod ako ng Big Hero 6 at ito ang naisip ko.

there there

Baymax, Yakapin Mo Ako

Kapag niyakap ka ng kaibigan mo habang may matinding pinagdaraan sa buhay sobrang sarap nun sa pakiramdam. Kasi alam mo na may mga taong lagi lang nandyan para sayo. Kaso, walang special effect, kung baga sa siopao, mas lasa ang mantau hindi ang laman.

Siguro, sadyang may mga yakap lang na gustong-gusto mo. Yung may kaakibat na napakaraming malisya, kilig at kalandian. Kasi damang-dama mo, may special feelings kung baga sa siopao, pinaghalong asado’t bola-bola na.
Ang masaklap lang kahit jumbo siopao pa yan, nilagyan mo pa ng special sauce at hot sauce, kahit gaano katagal at unti-unti mong namnamin, mauubos at mauubos. Ganun naman yata lahat ng sarap, ang tindi sa una pero habang patagal na ng patagal, nauubos. Kung baga sa load, hindi laging unlimited. At minsan susukuan mo na lang kasi nakakaumay.

Ayos lang naman kung may expiration date. Hindi na yun mahalaga. Ang importante nayakap ka sa panahong matindi ang pangangailangan mo. Umalis man, naiwan naman amoy, ayos na rin. Maubos man amoy, may ala-ala pa naman.

Forever Nganga! Anak ng Tokwa

Ayoko naman mag expect eh pero napakahirap nun gawin lalu na pag mabuti ka sa tao, kasi siyempre aasa ka na in a way ibabalik niya sa iyo hindi man lahat pero kahit konti lang sa kabutihang binigay mo. Katarantaduhan na solid na solid ang paniniwala ng isang tao sa “Love without expectations” na yan. Kasi di ka  tao, if di ka umasa. Pero siyempre, pinipilit mo na maging banal at sundin ang makalangit na paniniwala.

Hindi lang naman yan sa tao o sa pag-big pero sa napakaraming bagay; ang sarap kasing umasa. Nakaka-adik, na minsan punyemas na lang ang masasabi mo dahil walang nangyari,

Puro ka-asa, puro naman siya paasa wala naman palang papatunguhan.

We always expect for positive results and assumed that everything is in our favor but in reality, nga-nga ka talaga. Kaya yung feelings mo puro status na lang sa facebook. At least sa facebook may mag-la-like. At least, di ka man gusto ng gusto mo, may naglike naman ng status mo.

Tang-ina! Minsan may mga bagay na gustong-gusto mo ng hingiin sa isang tao, kaso magmumukha ka lang tanga. May mga bagay kasi na sadyang di pwedeng ipilit.

May mga bagay na dapat ay kusang loob lang na ibinibigay sayo at kung minsan pa nga, sa kakapilit mo lalo lang nawawala sa’yo. Minsan, di pa sayo nawala na.

Mahirap mag-antay at umasa pero minsan mas pinipili na lang natin na mag-antay pa rin at least kasi nabibigyan tayo ng pag-asa na papanig rin ang mundo sa atin, di man ngayon, malay mo bukas.

Butas na Pag-ibig

Kung nakakabili lang ng bagay ang love. Ang dami ko ng pag-aari. Eh ang kaso, pagnagmahal ka instead na dumami pera mo lalo kang naghihirap. Kasi syempre, gusto mo kasama siya. Eh di siyempre lalabas kayo. Kakain kayo, nuod kayong sine. Ang dami mo ng niregalo tapos ang masaklap minsan eh iiwanan ka niyang luhaan.

butas

Yang pag-big na yan, bubutasin na bulsa mo, bubutasin pa pati puso mo.

Eh ganun daw kasi talaga yun. Pero minsan kasi matututo lang tayo pag naging tanga na tayo. Kaya ang payo ko lang ay:

Ingat-ingat sa pag invest ng feelings. Minsan akala mo for real, scammer pala.

Singleness Madness 10 things to do list. :)

To Do List It’s been a while since I have been single so I have nothing to do but to enjoy the moment. 🙂 1. Go to the Beach. Just realized that traveling should be a part of life. 2. Eat in a cozy not so fancy restaurant. I love to eat. Not just eat but eat good comforting food. Asian food has been too comforting to the point that I forgot to try other cuisine. So, no to Asian food this summer. 3. Explore new coffee. Cafe Latte is out of the equation. Yeah! I love coffee but I think, I had been fixated with cafe latte. Have to try really something bold and new. 4. Lose weight then eat a lot! Sigh! Don’t want to be in a so depressed mood so need not tell anything about it. 🙂 Sigh! 5. Try some more alcohol. I don’t drink. Really. I don’t. But there’s nothing wrong naman siguro if I want to try something new. 🙂 6. Swim although exercising is hell. Yeah! Swimming has been a part of my life. Without it, I’m a balyena! 🙂 Hahaha

Kung ang passion ko sa paglamon ay kasing intense ng passion ko sa pag workout siguro ang sexy ko na. Kaso, ayan tayo eh!

7. Watch a movie alone. Watched a concert alone. Also, have to do this one. 8. Spend more time with family. 9. Cook something new. Even though, MOST OF THE TIME it’s not appreciated at least I’m trying my best on this one. 🙂 10. Work hard and Save money! This is what I love about now. I can be independent and realized that I don’t have to depend on anyone. BONUS: Live life to the fullest. Love Like I have never been hurt. 🙂 In the end, I just wanna love and be loved again. 🙂 Wala naman sigurong masama maging choosy kahit walang choices.

Kung sa panget nga may pumatol eh sa mataba na di masyadong kagandahan meron din naman siguro! Sa ngayon, I’ll just enjoy the moment. 🙂